Tula ni Sylvia

Ang Saging

Ako ang saging, kung magsasalita man ako
dito sa mundong ito, sasabihin ko na
hindi dapat ako puputulin, dahil
kailangan ko pang Mabuhay dito sa lupa.

Kaya, naiintindihan ko naman kung bakit ako,
kailangang puputulin ng mga tao, para naman
makatulong ako sa nangangailangan ng
tulong sa akin. At makabigay ako ng mga
pangangailangan nila.

Namamatay man ako, ang lahat ng bahagi ng katawan
ko ay magagamit nila, sa pangangailangan ng
Pambalot ng pagkain ang aking dahon, at ang aking
Puso naman ay ginagamit nila upang
magkaroon sila ng ulam sa araw-araw.

At ang aking katawan ay ginagawang bangka
upang tumawid sa napakalakas na tubig.
At ang aking gitnang katawan ay kinukuha
nila upang lutuin.

Ako ang bunga ng saging, ginagamit ako
sa pagkain ng mamamayan at meron akong
Malaking naitutulong sa ating mamamayan
dahil sa aking bunga at katawan.