Tula ni Sylvia*

Sagasaan

Sagasaan
Naamoy ko ang hinog ng mangga,
Naamoy ko ang hinog ng atis,
Naamoy ko ang hinog ng bayabas.
Ang hangin ang nagdadala ng amoy,
Naamoy ko ang luto ni nanay na
adobong manok. Naamoy ko ang luto
ni tatay na litson baboy na parang
nandoon na ako sa ulap na
lumulutang-lutang.

Naririnig ko ang ingay ng kabayo
na parang tumatakbo sa paligid
ng puno, na parang merong nakitang
malalaking mga insecto.

Naririnig ko ang batang umiiyak sa
ilalim ng punongkahoy na parang
iniwanan ng kanyang ina.
Dito ko narinig ang asong tahol nang tahol
sa ibabaw ng bundok, na parang
merong nakitang aswang.
Naririnig ko ang ingay ng aming kalabaw na
sumigaw na parang humihingi ng tulong.

Naririnig ko ang putukan na malapit sa
aming bahay.
Nakikita ko ang tao na tumatakbo patungo
sa bahay nila, at nakikita ko rin ang
aking kapatid na takot na takot
umiiyak at niyayakap ng
aming nanay.