Tula ni Emmanuel

Lanzones

Parang nalalagas ang mga dahon
kung sa malayu titingnan
kung sa malapitan para akong bahay
na pwedeng masilungan

sa bawat araw na magdaan
naririnig ko ang mga tinig nang kay
sayang mga kabataan, nagkukuwentuhan,
Nagbibiruan, at ang tugtug ng gitara ay
Sinasabayan ng awitan.

Ang mga bunga ko’y ipapakain sa kanila
Inaalagaan nila ako na para nilang kapamilya
Ngunit! Ang mga araw na iyon ay para bang
nawala, ang dating masaya ay napapalitan na nag kaba
nagsilikas ng ang mga guro at mga bata,
sinarado na nila ang pintuan, at sinira
ako ngayon, sino na kayang mag-aalaga
Walang magwawalis sa mga dahon na
mahuhulog sa aking mga sanga,
wala na akong maririnig na mga tinig mula sa
mga bata.