Chricelyn, Raquil, Jomar, Armando, at Alfolo

Si Obello

Kilala mo ba si Obello?
Si Obello Bay-ao?
Katulad ko, isa siyang
mag-aaral sa
Bakwit Schools.

Isa siyang masayahing batang nagbibigay sigla sa lahat. Wala siyang pinipiling kaibigan. Nakakalimutan ko ang mga problema ko kapag kasama ko siya.

Madalas ko siyang nakikitang naglalaro sa basketball court. At kapag may programa sa aming paaralan, palagi siyang nagtatanghal at sumasayaw.

Ngunit kahit palabiro si Obello, maalaga rin siya. Pagsapit ng bagong araw, ang unang-una niyang gagawin ay pakainin ang kanyang kalabaw.

Sisiguraduhin niyang malusog ang mga alagang hayop bago siya pumunta sa paaralan.

Mahal niya ang mga magulang niya.
Isa siyang masunuring bata. Tumutulong siya sa gawaing bahay at pati na rin sa pagsasaka.

Lalakad siya nang malayo para pumunta sa kanilang sakahan at mag-ani ng mais.

Dahil sa kaniyang pagsisikap, nakabili siya ng motorsiklo. Ginagamit niya ito para makatulong sa Bakwit School.

Gusto niya maging inhinyero. Pangarap niyang makapagtayo ng mga paaralan para sa kapwa Lumad. Mahal na mahal ni Obello ang kaniyang komunidad at lalong lalo na ang kanilang lupang ninuno.*

Isang araw, pumunta sa sakahan ang tatay ni Obello.
Bilang matulunging anak, naisip ni Obello na samahan ang itay sa pagsasaka.

Bago siya umalis, nilapitan siya ng kanyang kapitbahay at pinagsabihang huwag munang pumunta sa sakahan dahil may pangayaw.

Ngunit, isang matapang na bata si Obello. Magiting niyang sinagot na “Hindi sila makakatama sa akin,” at patuloy siyang naglakad.

Dumating siya sa sakahan. Sinabayan niya ang kanyang tatay sa pag-ani ng mais. Sa ilalim ng matinding araw, napagod si Obello, at sumakit ang ulo niya. Nagpaalam siya sa kaniyang tatay na uuwi muna para makapaghinga.

Pag-uwi, dumaan siya sa taas ng bundok. Nakakita siya ng dalawang tao sa gilid ng daan na parang may hinihintay na kasama.

Dadaan lang sana si Obello, ngunit bigla siyang natumba.
Binaril si Obello!

Bumangon siya. Tumakbo siya patungo sa kanilang komunidad para humingi ng tulong.

“Tulong! Tulong! Tulungan niyo po ako!”

Tinulungan siya ng kanyang tito upang makarating sa sitio. At nang makarating sila sa kalapitan ng bahay ni Obello ay nakita sila ng kanyang nanay.

“Sino ang may kagagawan nito?”
tanong ng kanyang nanay.
“Sino ang bumaril sa iyo, anak ko?”

“Ang mga alamara* po ‘nay,” sagot ni Obello.
“Sila po ang umatake sa akin.”

Dali-daling dinala ng komunidad si Obello sa ospital. Ngunit pagdating nila roon ay hindi na umabot si Obello.

Sa pagkamatay ni Obello, naghanda kami ng lamay—kaming mga kaibigan at ang mga guro.

Noong gabing iyon, lubos naming naramdaman ang galit sa mga taong pumatay kay Obello. Si Obello nang walang kalaban-laban. Si Obello na nangarap lamang para sa kanyang pamilya at sa kanyang tribo.

Kinaumagahan, nagtipon kaming mga guro, estudyante, taong simbahan at mga miyembro ng komunidad upang manawagan ng hustisya para kay Obello.

Dali-dali kaming sumakay ng jeep, truck, at van para pumunta sa harap ng panakanyang. Dala namin ang galit at sakit sa pagkamatay ng aming kaibigan.

Sa kampanahan, sabay-sabay kaming nag-rally.

Nananatili sa aming mga isipan at puso ang sakit ng nangyari kay Obello. Bitbit namin ito sa aming pagbabakwit sa Kamaynilaan, sa Lakbayan, at Kampuhan. Dati-rati, kasama namin dito si Obello.

“Sino ang may kagagawan nito?” tanong ng kanyang nanay.